MUNDO
o! kay ganda ng mundo,
punung-puno ng buhay,
kulay na kaakit-akit sa mata,
at tunay na biyaya ng maykapal
araw na sumisikat sa umaga,
nagbibigay liwanag sa madilim na mundo,
nagbibigay buhay sa mga puno at halaman,
at nagbibigay ligaya sa mga taong likha ng diyos
hanging nagbibigay buhay sa lahat,
kay sarap malanghap sa bawat ihip ng hangin,
kay gandang makita ng mga dahong sumasayaw,
at pakinggan ang mga ibong umaawit
tubig na umaagos sa galaw ng mundo,
nagbibigay lakas sa lahat ng buhay,
kay gandang pagmasdan ng mga isdang lumalangoy,
at mga batang naglalaro sa paligid
lupang masagana sa likas na yaman,
pinagkukunan ng pangkabuhayan at pagkain,
masagana sa mineral at sustansya,
na nagbibigay buhay sa mga bulaklak na namumukadkad
buwan na sumisinag sa gabi,
nagbibigay ilaw sa madilim na landas,
kay gandang tingnan ang ibat-ibang hugis nito,
mysteryo ang dala sa utak ng tao
bituing kumikislap sa gabi,
kay sarap pagmasdan,
kulay na nagniningning sa gabi,
dala nitoy kagandahan sa kalangitan
tunay na kay ganda ng mundo,
bawat isa may dalang kabutihan sa lahat,
alagaan ang likha ng diyos,
at magpasalamat sa kanya
No comments:
Post a Comment