IKAW
nang una kitang makita,
hindi ko inakala,
pag-ibig na pala,
sa akin ay tumama
nang magtapat ka ng pag-ibig,
hindi ako naniwala,
pagkat itoy imposible,
sa akin ay mabighani
nang itoy aking malaman,
hindi ko lubos maisip,
kung paano nangyari,
na akoy iyong minahal
nang lumipas ang mga araw,
hindi ko natanggap,
na ang puso koy nahulog sayo,
at minahal na rin kita
nang akoy napatingin sayo,
sa iyong mga mata,
nakita ko ang pinapangarap na kaligayahan,
na walang hanggan
nang akoy iyong niyakap,
sa iyong mga bisig,
alam kong akoy hindi mo pababayaan,
sa bawat araw ng ating buhay
nang akoy iyong halikan,
sa iyong mga labi,
naramdaman ko ang init ng iyong pagmamahal,
na pang habang-buhay
No comments:
Post a Comment